Nagsusulat Ako dahil Nagmamahal Ako
Nagsusulat ako.
Nagsusulat ako dahil nagmamahal ako.
Nagmamahal ng taong dapat ay kaibigan lang,
dapat ay kaagapay lang at dapat ay karamay lang.
Nagsusulat ako.
Nagsusulat ako dahil ang pusong dati ay nakatago sa dilim
ay unti-unti mong hinugot patungo sa liwanag
na akala mo'y nangangako ng walang hanggang bukas.
Nagsusulat ako.
Nagsusulat ako dahil noong minahal kita ay nagkaroon ako ng
tinta.
Isang makulay na tinta na nagsasabing
"mahal kita sinta".
Nagsusulat ako.
Nagsusulat ako
dahil sa pagsusulat lamang ako
nakapagpapahiwatig
ng nararamdamang ni minsan ay di ko naisip
na magkakaroon ng napakagandang himig.
Nagsusulat ako.
Nagsusulat ako dahil kahit papaano ay nababawasan ang tinik
na kay tagal ng nakakapit sa dibdib kong namimilipit
dahil sa sakit na dulot ng isang pag-ibig na hindi ko dapat
dinibdib.
Nagsusulat ako.
Nagsusulat ako dahil sa mga isinusulat ko lamang nagkakaroon
ng tuldok
ang kahibangang 'ikaw at ako ay may tayo'
na katulad ng kulog ay nakakatakot.
At magsusulat pa rin ako.
Haggang mapagod ang pusong kong nalilito
at makahanap ako ng kapares kong tinta na magsasabing "ikaw ay akin at ako ay sa'yo"
at sabay naming isusulat ang aming titulo.
At magsusulat pa rin ako.
Haggang mapagod ang pusong kong nalilito
at makahanap ako ng kapares kong tinta na magsasabing "ikaw ay akin at ako ay sa'yo"
at sabay naming isusulat ang aming titulo.
No comments:
Post a Comment