Thursday, October 19, 2017

Tula: Tadhana

Tadhana

Mga kwento ng tunay na pag-ibig at pagmamahalan.
Mga kwento ng pag-ibig na ipinaglalaban.
Mga kwentong aking pinanghahawakan.
Mga kwentong, ang sabi nila, ikaw tadhana ang may akda.

O tadhana.
Kay gandang tingnan ang mga pusong iyong binuo
kay sarap  pakinggan ang mga katagang "I love you",
 Mga pusong pinaglayo at muling pinagtagpo.
Noon paman ay tagahanga mo na ako.

Ako ay isang tapat na tagahanga
Buong pusong sayo ay nagtitiwala
Kaya't nang minsang pag-ibig sa aki'y tumingala
Walang anumang ako ay nagparaya.

Subali't sa paglipas ng panahon
Sa bawat pag-ibig na natagpuan at pilit kong ibinaon
Sa bawat patak ng luha ng pagpaparaya
Ako ay di makalaya.

Makalaya sa nakaraang ako ay nakulong
Sa isip na di masagot ang mga tanong
Sana ay, siguro ay, pano kung?
Sagot ay di parin matagpuan hanggang ngayon.

Ngunit tadhana
Sa muli nating pagtatagpo
Ako sana'y maturuan mo
Na ipaglaban ka't wag sumuko.