MAHAL, ISUSULAT KITA ...
Ang nararamdamang hindi ko maamin
Tinago sa sarili at mas lalo pang lumalim
Kaya't isusulat ko nalang sa tula
Kung paano ang lahat nagsimula.
Isusulat kita ...
Ang nararamdamang hindi ko maamin
Tinago sa sarili at mas lalo pang lumalim
Kaya't isusulat ko nalang sa tula
Kung paano ang lahat nagsimula.
Isusulat kita ...
Mula sa kalungkutang galing sa kanya
Makasarili ako kung tatalon ako sa'yo para maging masaya
Pero naging makasarili parin ako noong pinili kita
Pinili kitang bahagian ng kalungkutang nadarama.
Sa panahong ikaw lang ang tanging masabihan
Ng mga pasakit at lumbay ng pag-ibig kong nasawi
Sa bawat kataga at pagtulo ng aking mga luha
Oo ramdam ko, ramdam ko ang sakit na dama mo.
Hindi ako manhid gaya ng sabi nila dahil nakikita kita
Nakikita ko ang bawat pagyuko at pag-iwas mo ng tingin
Sa bawat paghikbi ng pagal kong damdamin
Nakikita kong nalulungkot ka, nasasaktan para sa'kin.
Oo nakikita ko, nandiyan ka lang
Nandiyan ka sa mga panahong wala akong makapitan
Sa mga panahong pinipilit ko ang sarili na maging masaya
Nandiyan ka lang, parang si superman.
Naaalala ko pa 'yong minsang sinusubukan mong magpatawa
Upang kahit saglit, ngiti sa labi ko'y manumbalik
Hanggang ang mga patawa mo'y nagiging mais na
Laking tuwa mo nong nagtagumpay ka.
Ngunit sa bawat pagsabay mo sa pag-ikot ng aking mundo
Sa pagdama mo sa mga sugat nitong puso
Sa pagsalo mo nong nahulog ako
Ang tanga ko't nahulog pa rin ako, nahulog mula sa'yo.
Nahulog ako sa'yo ...
Sabi ko kasi noon, hinding-hindi ako magmamahal ng isang kaibigan
Kaya't nararamdaman para sayo'y pilit na winawakasan
At sa mga pagkakataong nakikita ka lang at nakakausap
Ay sapat na kahit wala tayo'ng bukas.
Sabi nila, mahal mo raw ako
Gustong-gusto ko ngang paniwalaan
Pero takot akong muli ay umasa at masaktan
Dahil sabi nga nila, at sila ay hindi ikaw.
Sa totoo lang hindi ko naman hihilinging manatili ka pa
O sasabihing wag kang magmahal ng iba
Ngunit ako'y makikiusap lang sana
Bago ka umalis, tulungan mo muna akong makalaya
Sa mundo ng panulaan ko nalang aaminin
Ang silakbo na ramdam nitong damdamin
Na ang pusong ito'y malaya mong naangkin
Eto na't unang beses ko pang sasabihin
Mahal kita ...
Disyembre labing tatlo, taong dalawang libo't labing apat
Sa umagang kay daming tao
Sa lugar kung saan tayo unang tatakbo
Naramdaman ko ang unang silakbo
Malapit ng magsimula ngunit hindi pa kita mahagilap
At sa unang pagkakataon ramdam ko ang takot na ikaw ay mawala
Sa kabilang linya, "Nasan ka? Nasan ka na? Diretso lang", sabi mo nga.
Pag-aalala sa dibdib lahat ay nawala.
Mahal kita kasi kahit tinig mo lang ako ay nakakalma
Mahal kita kasi ang sugatan kong puso'y sayo lang pinagkatiwala
Mahal kita dahil mundo ko'y nagiging makulay kapag nasisilayan ka
Mahal kita dahil minahal kita.
Sa panahong iyon na tumatakbo ako
Tumatakbo ako papalayo sa nararamdaman ko
Kasi ng mula sa kanya'y nahulog ako't nasalo mo
Kapag nahulog ako sa'yo, paano na ako?
Paano na ako?
Paano ako tatakbo kung sa bawat hakbang ko'y nasusugatan itong puso?
Paano ba kita iiwasan kung sa bawat distansya'y mas lalo akong nabibigatan?
Paano na ang ating pagkakaibigan kung ganito ang nararamdaman?
Paano na ako? Paano na? Paano na tayo?
Kaya't sa tulang ito na ikaw ang topiko
At ang nararamdaman ko ang tanging liriko
Sana ito'y magiging himig at gabay
Nang matuldokan ang puso kong nalulumbay.

No comments:
Post a Comment